Muntinlupa LGU, hindi magre-require ng quarantine pass sa panahon ng ECQ

Nilinaw ng Muntinlupa City government na hindi sila magre-require ng quarantine passes sa mga residente sa panahon na umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Muntinlupa Chief of Police Col. Melencio Maddatu Buslig, ang kailangan lamang ng mga residente ay magpakita ng valid ID kapag sila ay lalabas.

Gayunman, mahigpit aniyang paiiralin ang health protocols sa lungsod tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.


Habang sa public transportation, 50% lamang ang papayagang capacity sa mga jeep at bus.

Sa tricycle naman, paiiralin ang “no back ride policy” at isang pasahero lamang ang papayagan.

Naglagay na rin ang Muntinlupa City Police Station ng mga barikada at cones sa local border quarantine control points sa San Pedro-Tunasan Boundary, Susana Heights Exit, Sucat-Taguig Boundary at sa Biazon Road – Alabang Boundary.

Magpapatuloy naman ang bakunahan sa Muntinlupa City sa panahon ng ECQ.

Facebook Comments