Simula ngayong araw ay hindi muna tatanggap ng walk-in sa mga vaccination center sa Muntinlupa City.
Paliwanag ng Muntinlupa City government, ito ay dahil limitado ang suplay ng bakuna laban sa COVID-19.
Dahil dito, ang tangi lamang maaaring magpabakuna sa Muntinlupa ay ang nakapagparehistro online at nakatanggap ng text message kaugnay sa kanilang schedule.
Ngayon ay umaabot na sa mahigit 190,000 ang nabakunahan sa Muntinlupa.
Sa nabanggit na bilang ay mahigit 41,000 ang fully vaccinated o nakatanggap na ng second dose ng COVID-19 vaccine habang mahigi 149,000 ang naka-first dose pa lamang ng bakuna.
Mahigit 385,000 ang target ng Muntinlupa na bakunahan ngayong taon at ‘yan ay 70% ng kabuuang populasyon nito na mahigit 551,000.
Facebook Comments