Muntinlupa LGU, nilinaw na para lang sa 12-17 years old ang gagawing 3-day pediatric vaccination drive

Muntinlupa LGU, nilinaw na para lang sa 12-17 years old ang gagawing 3-day pediatric vaccination drive

Nilinaw ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na tanging mga batang may edad 12 hanggang 17 lang ang pwede bakunahan sa 3-day pediatric vaccination drive.

Kung saan ito ay magsisimula ngayong araw, Lunes, January 10 hanggang sa Wedneday, January 12.


Dahil bawal muna ang walk-ins, tanging yung mga nakatanggap ng text schedule ang kanilang tatanggapin sa kanilang mga vaccination site.

Ito ay para maiwasan ang pagdagsa ng tao nang masunod ang sunod ang social distancing at upang bigyan daan ang bakunahan para mga kabataan laban sa COVID-19.

Nitong nakaraang araw nga ay nagkaroon ng kalituhan matapos mag anunsyo ang pamahalang lungsod ng Muntinlupa kaugnay sa pre-registration ng mga batang limang taong gulang hanggang labing isang taon gulang.

Ayon sa pamahalaang lungsod, pre-registration palamang para sa gagawin nilang listahan na gustong mag pabakuna ng COVID-19 para sa nasabing age bracket.

Kung sakaling ito ay payagan na ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments