Natanggap na rin ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa ang 3,000 doses ng Sputnik V.
Ayon sa Muntinlupa Local Government Unit (LGU), malaki ang pasasalamat nila sa pagkakapili ng National Task Force against COVID-19 sa lungsod para tumanggap ng alokasyon ng mga bagong bakuna mula sa Russia.
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na may sapat silang cold storage facility na kayang magbigay ng naaayon na 18 degrees celsius temperature para sa mga nasabing bakuna.
Tiniyak din ng Muntinlupa LGU na uunahin nila ang mga nasa priority list category sa gagawing pagbabakuna ng Sputnik V.
Bukod sa Muntinlupa at Taguig, nabigyan din ng inisyal na doses ng Sputnik V ang Maynila, Parañaque, at Makati.
Facebook Comments