PROBLEMA SA PAMILYA, NAUWI SA PAGPAPAKAMATAY NG ISANG CONSTRUCTION WORKER SA BANI

56

Patay ang isang 28-anyos na construction worker sa bayan ng Bani matapos itong magbigti sa loob ng bahay nito gamit ang isang nylon na kanyang itinali sa leeg.

Nakita na lamang ito ng kanyang katrabaho na nakasabit at wala nang buhay.


Bago pa umano ang insedente, ang biktima ay nakipag inuman pa sa kanyang kaibigan at matapos nito ay inihatid niya ang kanyang anak sa bahay ng biyenan kung saan nagpahiwatig na ito ng pagpapaalam. Nagtext na din naman nito sa kanyang live in partner ng pamamaalam.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na may problema umano ang kaniyang pamilya na maaaring dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Sinubukan pa itong dalhin sa Rural Health Unit ng Bani ngunit ito ay idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments