Hinikayat ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang mga kawani at mga opisyal ng pamahalaang lungsod na tumulong sa pagbibigay ng tamang impormasyon kaugnay sa bakuna laban sa COVID-19.
Sa kanyang talumpati kaninang umaga sa ginawang flag raising ceremony, sinabi nito na paano nila makukumbinsi ang kanilang mga residente na magpabakuna kung sila mismo ay hindi rin nagtitiwala sa mga bakuna laban sa naturang sakit.
Aniya, responsibilidad nila na palakasin ang kumpyensa ng mga residente ng lungsod kaugnay sa COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng pangunguna ng pagpapabakuna.
Iginiit niya na maraming mga eksperto ang nagsasabing safe itong gamit.
Nakikipagusap din aniya siya sa mga medical expert kaugnay sa mga vaccine laban sa COVID-19 na papasok sa bansa.
Matatandaan, unang umorder ng 100,000 doses ng COVID-19 vaccine sa AstraZeneca ang pamahalaang lungsod at nadagdagan pa nila ito ng 200,000 doses ng kaparihang brand ng bakuna.