Mural at effigy na ipaparada ng mga manggagawa bukas, Bonifacio Day, handa na; ilang kalsada sa Caloocan City, sarado na!

Handa na ang mural at effigy na ipaparada ng mga manggagawa bukas, Nobyembre 30, Bonifacio Day.

Masasaksihan sa mural ang magkakapit-bisig na mga manggagawa sa pangunguna ni Gat Andres Bonifacio.

Habang, inaasahan naman na sisilaban ang isang effigy na mala-aswang na may malalaking pangil.


Nag-aalok din ang Kilusang Mayo ng libreng imprenta sa mga t-shirt na may nakasulat na “sahod ay itaas, presyo ay ibaba”.

Bukas ng umaga ay nakatakda ang mga malakihang kilos-protesta at programa ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio at Mendiola sa lungsod ng Maynila.

Samantala, nag-abiso naman ang lokal na pamahalaan ng Caloocan na ilang kalsada sa lungsod ang sarado na bilang paghahanda sa paggunita ng Bonifacio Day, bukas.

Batay sa inilabas na abiso ng Caloocan City-LGU, sarado ang mga sumusunod na kalsada:

 EDSA (mula BMC hanggang Serrano; mula Gen. Simon hanggang BMC)
 Samson Road (mula BMC hanggang Villarosa St.; mula New Abbey Road hanggang BMC)
 Rizal Avenue (mula BMC hanggang 10th Avenue, parehong lane)
 McArthur Hi-way (Mula BMC hanggang Calle Cuatro, parehong lane)

Habang, narito naman ang mga alternatibong ruta:

 Kung patungong EDSA, gamitin ang B. Serrano o Biglang Awa
 Kung galing EDSA patungong Valenzuela, Malabon at Navotas, gamitin ang Gen. Simon at kumaliwa sa Calle Cuatro
 Kung galing sa Valenzuela patungong Caloocan, gamitin ang Pascual Ave., kumaliwa sa Araneta Avenue at kumanan sa Caimito Road

Kasunod nito, humihingi ng malawak na pag-unawa ang nasabing LGU sa mga motorista.

Facebook Comments