NPA, patay matapos maka-engkwentro ng militar

Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ng mga awtoridad sa Brgy. Guinhan-ayan, Placer, Masbate.

Sa ulat ng Masbate Police Provincial Office (PPO), nagsasagawa ng operasyon ang Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company, Masbate Provincial Intelligence Unit, 502nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion at Placer Municipal Police Station nang mangyari ang engkwentro sa NPA na tumagal ng 15 minuto.

Nakuha sa lugar ang M16 rifle, Cal. 45 pistol, mga bala, improvised explosive device (IED) at iba’t ibang propaganda materials.


Wala naman nasugatan o namatay sa panig ng mga awtoridad.

Facebook Comments