Benguet, Philippines – Matapos ang pagpapaganda ng Lion’s head sa Kennon Road, balak din pagandahin ang pinakamalaking mural sa loob ng kapitolyo ng Benguet.
Ayon kay Dominador Carantes, isang artist, kasama ang ilang grupo para sa magpapaganda sa nasabing mural, ay makukulayan na ito at mapapakintab.
Magsisimula ang proyekto ng pagpapaganda sa mural sa kalagitnaan ng Enero at ang pondong nakalaan naman sa nasabing proyekto ay nasa mahigit P500,000.
Ang mural ay sinasabing nagpapakita ng mayamang kultura ng probinsya ng Benguet kung san ito ay may traditional basket o “kayabang”, small-scale mining, rice paddies, cultural dance, mummies, indigenous peoples na nago-gong, at mambunongs o mga indigenous priest.
Ang nasabing mural din ay dati ng proyekto ng dating administrasyon ayon naman kay Benguet Governor, Melchor Dicla.
iDOL, nakita mo na ba ang mural sa kapitolyo ng Benguet?