MURANG BIGAS | NFA, nangako na magmumura na ang presyo ng bigas sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na simula sa susunod na linggo ay makakaasa na ang mga consumers na mayroon ng murang bigas na mabibili sa merkado.

Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez, maide-deliber na kasi sa linggong ito ang commitment na 300,000 bags na bigas ng mga rice traders na nakapulong ni President Rodrigo Duterte.

Ang gagawing distribusyon dito ay padadaanin sa mga retailers sa mga palengke sa mga palengke sa Metro Manila.


Ito ay maibebenta sa presyong 39 pesos per kilo, mas mura kung ihahambing sa mga panindang commercial rice na naglalaro ngayon sa 40 hanggang 60 peso ang presyo.

Pag uusapan na rin aniya bukas ang Terms of Reference ng aangkating 250,000 MT sa ilalim ng government private scheme sa Vietnam at Thailand.

Ang pang-unang shipments ay inaasahang dumating sa huling bahagi ng Mayo.

Facebook Comments