Murang kuryente act, nilagdaan na ni Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o “murang kuryente act”.

 

Layon nitong mabawasan ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa P208 billion malampaya fund para ipambayad sa stranded contract costs at stranded debt ng National Power Corporation (NAPOCOR).

 

Ang stranded contract costs ay ang contracted cost of electricity ng NAPOCOR sa independent power producer habang ang stranded debts naman ay ang hindi nabayaran na financial obligations nang isapribado ang NAPOCOR assets.


 

Maliban rito, gagamitin din ang pondo para sa pagpopondo sa exploration, development at exploitation ng iba pang energy resources.

 

Tinatayang aabot sa halos P200 ang mababawas sa buwanang bill ng nasa 16 milyong household na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour.

Facebook Comments