MURDER CASE | Fund raising drive, inilunsad bilang suporta sa tinaguriang Makabayan 4

48

Manila, Philippines – Isang fund raising drive ang inilunsad ngayon ng ibat-ibang grupo bilang suporta sa legal na laban ng tinaguriang Makabayan 4.

Dumadalo ngayon sa isang pagtitipon sa United Church of Christ in the Philippines ang mga kaibigan at mga kasamahan sa pakikibaka ng Makabayan 4 at bawat isa ay naghuhulog ng pledge card sa isang itim na kahon may mga larawan ng mga tinutugis na mga militanteng kongresista.

Ayon kay dating BAYAN Muna Partylist Representative Neri Colmenares, bagaman at naglingkod sa gobyerno sina dating DAR Secretary Paeng Mariano, dating mga Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Teddy Casiño at si NAPC Secretary Liza Maza, hindi naman sila nagpayaman kung kaya at walang sapat na salapi ang mga ito para sa legal na laban at iba pang gastusin.

Sinabi ni Colmenares na hindi na kailangan na magpagod pa ang PNP sa pagpapakalat ng tracker laban sa Makabayan 4 dahil haharapin din naman nina Ka Satur ang kasong murder laban sa kanila.

Sa ngayon aniya ay tinanggap na ng korte sa Pangasinan ang kanilang inihaing mosyon para mapawalang bisa ang inilabas na motion to quash reconsideration.

Naniniwala si Colmenares na maibabasura ang kaso dahil mahina ang mga ebidensya na magdidiin sa Makabayan 4.

Facebook Comments