Murder case laban sa mga pulis na nakapatay kay Kian, isasampa na agad ng pamilya; PAO, nagpaliwanag sa pakikisali nila sa kontrobersyal na drug operation

Manila, Philippines – Tiniyak ng Public Attorney’s Office maging ng pamilya na hindi na nila papatagalin pa ang isasampang kaso laban sa mga pulis na responsable sa pagkamatay ni Kian Delos Santos.

Si Kian ang grade 11 student na binaril ng mga owtoridad matapos manlaban di umano habang inaaresto.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, may mga hawak na silang mga ebidensya na magpapatunay na murder at hindi homicide ang nangyaring pamamaril sa estudyante.


Binigyang diin ni Acosta na agad nilang isasampa ang kasong laban sa mga pulis na responsible sa pagkamatay ni Kian.

Aniya, suportado nila ang war on drugs ng administrasyon, pero hindi nila papalagpasin ang maling proseso ng mga pulis.

Aniya, panahon na para mag-retraining ang mga ito sa tamang paghuli sa mga suspek.

Samantala, dumepensa si Acosta na nagpapansin ang PAO at sinabing pamilya Delos Santos ang lumapit sa kanila para magpatulong sa ikalilinaw ng kaso.

Lumalabas kasi na hanggang sa mga oras na ito wala pang kopya ng otopsiya ang pamilya Delos Santos kaya humiling ang padre de pamilya sa PAO na magsagawa ng imbistigasyon.
Nabatid base sa forensic expert ng PAO sa likod nabaril ang estudyante at mayroon din itong dalawang tama ng bala sa ulo.

Facebook Comments