Iniimbestigahan na ng Department of Justice o DOJ ang posibilidad na maaari ding “murder” ang pagkamatay ni Jun Villamor, ang Bilibid inmate na sinasabing “middleman” sa Percy Lapid killing.
Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na sa ngayon ay hindi pa nila mailalantad ang mga persons of interest sa kaso.
Gayunman, nagsasagawa na aniya sila ng malalimang imbestigasyon dito kabilang na ang mga pangalan na nabanggit sa “dying declaration” ni Villamor.
Patuloy rin aniya silang nakakatanggap ng mga tips mula sa ilang impormante.
Facebook Comments