Murder cases sa bansa, patuloy sa pagbaba

Iniulat ng Philippine National Police ang pagbaba ng mga kaso ng pagpatay sa bansa sa loob ng limang taon o mula noong 2018 hanggang 2022.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., naitala ang 7,121 murder cases noong 2018; 6,310 noong 2019; 5,490 noong 2020; 4,853 noong 2021; at 4,272 nitong 2022.

Ani Azurin, tuloy-tuloy ang pagbaba ng trend ng murder cases ngunit sa kabila nito ay marami pa ring dapat gawin upang malabanan ang mga kaso ng pagpatay at mapanagot ang mga salarin.


Iniulat ito ng PNP chief sa gitna ng magkakasunod na pananambang at pagpaslang sa ilang mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments