PNP, itinuturing na ‘armed and dangerous’ ang nalalabing mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo

Armed and Dangerous kung ituring ng Philippine National Police ang nalalabi pang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., kaya puspusan ang ginagawa nilang hot pursuit operations laban sa 4 hanggang 5 pang mga suspek kung saan nagpadala na rin ng Special Operations team ang militar para tumulong sa paghahanap sa mga ito.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Azurin na nasa Negros Island pa rin ang mga pinaghahanap na suspek dahil bantay-sarado ng mga tropa ng pamahalaan ang buong isla.


Kasunod nito, naniniwala ang PNP na mga dating dating sundalo ang mga nalalabing pinaghahanap na mga suspek dahil pawang mga dating militar ang unang apat na nahuling suspek na hindi malayo na mga miyembro ito ng Gun-for hire group.

Dahil dito, muling nanawagan si Azurin sa publiko na ipagbigay-alam agad sa mga awtoridad ang kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.

Facebook Comments