Muslim grad masayang nagtapos sa isang Katolikong unibersidad

Courtesy Facebook/Jomana Lomangco

Paghanga at labis na kasiyahan ang ipinakita ng isang estudyante Muslim sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral sa isang Katolikong unibersidad.

Sa Facebook post ni Jomana Lomangco, ikinuwento niya ang naging karanasan habang nag-aaral sa University of Santo Tomas. Aniya, pagmamahal at hindi diskriminasyon ang ibinigay sa kanya ng pamantasan.

 

“As my last graduation post, I would like to share how it’s like to be a Muslim in a Catholic University. As I chose UST to be the place where I will spend 5 years of my life studying, I have faced stereotyping beforehand that this decision might alter my faith. Baka raw maging “Christian” na ako sa college.”


Kahit kailan, hindi siya pinabayaan at minata dahil sa relihiyon.

“NEVER have I felt discriminated in the four walls of the university. NEVER have I felt less just because I’m a Muslim. NEVER did they leave me out just because of my faith.”

Dagdag pa niya, dapat pantay ang pagtingin sa kapwa, maging Katoliko man ito o Muslim.

“I have learned many things throughout my stay, but this I will remember in my whole life. To be of a certain faith, may it be Christianity or Islam, is to be HUMAN. And to be human is to respect and accept each other in spite of the differences in our beliefs. As a Muslim who took up a few Theology courses, I’ve learned to look at our similarities rather than our differences. And I think that’s exactly what this world needs.”

Sa huli, taos-pusong pinasalamatan ni Lomangco ang UST.

“Thank you for making me feel that I belong. Alhamdulillah for everything!”

Nagtapos bilang Cum Laude si Lomangco sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Hanggang ngayon, umuulan ng papuri mula sa netizens ang inspirational story ng dalaga.

Facebook Comments