Nakatakdang magtipon ang mga Ulama o Muslim scholars mula dito sa Cotabato City, island provinces ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi sa ARMM para sa dalawang araw na regional summit na naglalayong tugunan ang violent extremism at terrorism.
Ang aktibidad na kasunod ng Ulama Summit na ginanap dito sa Cotabato City noong buwan ng Mayo ay inisyatibo ng regional government ng ARMM, regional Darul Ifta at Majlish-Shura.
Ang pakay nito, ay palaganapin ang tunay na turo ng Islam, pinakikilos ng regional government ang mga Ula upang labanan ang banta ng violent extremism, ayon kay ARMM regional governor Mujiv Hataman.
Noong 2015, ang Darul Ifta ng ARMM ay nagdeklara na ang terorismo at kalikuan ay hindi katanggap-tanggap bilang kasingkahulugan ng Jihad o isa sa mga paraan ng pakikibaka dahil ang relihiyong Islam ay nag-uutos na maging mahabagin sa lahat ng nilalang sa mundo.
Bahagi ng two-day summit na makapag balangkas ng mga alituntunin upang maabot ang common understanding sa mga terminolohiya kaugnay ng Islam upang maiwasan ang mga maling pakahulugan.
Muslim scholars sa ARMM, magsasagawa ng regional summit kontra violent extremism at terrorism!
Facebook Comments