Muslim TV Station ng Gobyerno, naitayo na

189

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ni Communications Secretary Martin Andanar ang Paglulunsad ng Salaam Television kahapon alinsunod narin sa Pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Andanar, ang pagkakaroon ng Muslim broadcast Station ng Gobyerno ay isang makasaysayang tagumpay ng Pamahalaan.
Layon aniya ng nasabing TV Station ay maipagmalaki ang mayamang kultura ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang sinig at magandang idolohiya.
Maganda din aniya na ngayon inilunsad ang Salaam TV kasabay ng umiiral na Martial law sa Mindanao dahil isa itong pagkakaron para maipagmalaki ang mga proyektong ipinatutupad ng Pamahalaan para sa mga Muslim.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments