SONA ng Pangulo, magiging simple pa rin ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging simple lamang ang kanyang ikalawang State of the Nation Address sa 24 ng Hulyo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tulad ng unang SONA ng Pangulo na walang magiging magarbo na paghahanda dahil ito ang gusto ng Pangulo.
Umaasa din naman aniya sila na hindi magiging fashion show ang SONA ng pangulo tulad ng nakagawian sa mga nagdaang taon.
Pero prerogatibo parin naman aniya ito ng kamara dahil sila ang host ng naturang aktibidad ngunit umaasa parin naman aniya silang tatalima ang mga mambabatas sa gusto ng Pangulo.
Sinabi din ni Andanar na gagamit parin ng Visial aids si pangulong Duterte sa kanyang talumpati para mas maunawaan ng mamamayan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments