Mutated variant ng polio virus, ibinabala ng WHO!

Ibinabala ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaroon ng mutated variant ng polio virus mula sa ibang bansa.

Sinabi ni WHO Europe Expert Siddhartha Datta na magdudulot ng malalang sintomas ang nasabing mutated variant tulad ng limb paralysis sa mga hindi bakunadong pasyente.

Batay sa datos ng WHO, sa buong rehiyon ay bumaba ng 1% ang nabigyan ng ikatlong dose ng bakuna kontra sa polio noong 2019 at 2020.


Habang, nasa 95% naman ang nakakumpleto na ng polio vaccine sa 53 bansa noong 2021.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang polio ay sakit na dulot ng polio virus, kung saan umaatake ang nasabing sakit sa sa spinal cord at mga nerves na nagpapagalaw sa mga muscles.

Dagdag pa, maaari rin maparalisa ang diaphragm o ang “breathing muscle”, kung kaya’t maaaring mahirapang huminga ang pasyente na ikakamatay ito.

Facebook Comments