5 sugatan sa nangyaring magnitude 6.7 na lindol sa Abra

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 5 ang nasaktan sa nangyaring magnitude 6.7 na lindol kagabi sa Abra.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Bernardo Rafaelito Alejandro IV, ang mga ito ay mula sa Lagayan, Abra.

Aniya, ang mga ito ay nagtamo ng sugat o gasgas sa iba’t bang bahagi ng kanilang katawan.


Bagama’t may mga ulat na lumabas hinggil sa 20 katao na sugatan sa Ilocos Norte dahil sa lindol ay patuloy pa itong beneberipika ng NDRRMC.

Samantala, wala namang napaulat na nasawi o nawawala dahil sa nasabing pagyanig.

Facebook Comments