Mutations ng COVID-19 sa mga lalawigan, binabantayan ng Philippine Genome Center at UP-NIH

Mahigpit na binabantayan ng Philippine Genome Center (PGC) at ng UP-National Institute of Health (UP-NIH) ang mutations ng COVID-19.

Kasabay nito, kinumpirma ni Dr. Cynthia Saloma ng PGC na pinulong nila ang Local Government Units (LGUs) para ipaliwanag ang pagkakaiba ng variants at variant of concern.

Ito ay matapos na magdulot ng kalituhan sa Quezon City LGU ang nasabing usapin kung saan idineklara nito na may Brazil variant na sa lungsod pero agad din namang binawi.


Nilinaw ni Dr. Saloma na wala pang Brazil variant sa bansa base sa kanilang genome sequencing at sa halip ay Brazilian lineage lamang na wala namang katibayan pa kung mabilis itong nakakahawa.

Samantala, kinumpirma ng Pasay LGU na 54 na mga barangay na lamang sa lungsod ang naka-localized lockdown.

Ito ay matapos na alisin na rin ang lockdown sa 6 pang mga barangay.

Kinumpirma rin ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit na 50 na mga bahay na lamang at isang establisyimento sa lungsod ang naka-lockdown sa ngayon.

Facebook Comments