Mutual defense cooperation at freedom of navigation, posibleng talakayin nina PRRD at Mike Pompeo

Posibleng talakayin sa pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. Secretary of State Michael Pompeo ang pagpapalakas ng long-time defense alliance sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon – inaasahang pag-uusapan ang mutual defense cooperation ng Pilipinas at U.S. maging ang freedom of navigation.

Inaasahang darating sa Villamor Air Base sa Pasay City mamayang gabi si Pompeo at ipapatawag ni Panguong Duterte bago siya umuwi sa Davao sa weekend.


Magtatapos ang pagbisita ni Pompeo sa bansa bukas, March 1.

Facebook Comments