Mutual Defense Treaty, hindi pa panahon para gamitin laban sa China – Sen. Tolentino

Hindi sang-ayon si Senator Francis Tolentino na gamitin na ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos laban sa China.

Ang reaksyon ng senador ay tungkol na rin sa naging pahayag ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang insidente ng pagtutok ng military grade laser ng China Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ay sapat nang dahilan para gamitin ng bansa ang nasabing kasunduan.

Kung si Tolentino ang tatanungin, tutol siya sa pahayag na ito ng dating associate justice dahil hindi pa naman ‘lethal’ o nakamamatay ang nasabing laser attack.


Magkagayunman, sinabi ni Tolentino na ang ‘provocative action’ na ito ng China sa ating bansa ay halos papunta na sa paggamit ng MDT.

Maaari aniyang ikonsidera ang paggamit sa MDT kung ang ginawang pag-atake ng China ay inilagay sa panganib ang buhay ng mga tauhan ng PCG o kaya naman ay gumawa ng mga mapaminsalang hakbang na nagpataranta o nagpawala ng focus sa mga crew member na maaaring mauwi sa tuluyang paglubog ng barko.

Bagama;t aminado si Tolentino na hindi niya tiyak kung pasok ang ‘temporary blindness’ na resulta ng laser attack ng China sa mga tauhan ng PCG para magamit ang MDT, umapela ang senador na gawin ang lahat ng paraan para matigil ang mga harassment at pambu-bully sa ating mga kababayan.

Facebook Comments