Mga magsasaka ng tubo sa Nasugbu, Batangas na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera, dumulog sa Kamara

Gumagawa ng paraan si House Speaker Martin Romualdez para matulungan ang nasa 12,000 mga magsasaka ng tubo sa Nasugbu, Batangas na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. o CADPI.

Aksyon ito ni Romualdez makaraang personal na dumulog sa kanya ang mga apektadong sugarcane farm workers.

Diin ni Romualdez, kailangang masiguro ang kapakanan ng mga magsasaka sa bansa kabilang ang mga sugarcane farmer upang matiyak ang ating food security.


Facebook Comments