Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of National Defense (DND) sa patuloy na paggigiit ng Estados Unidos sa freedom of navigation operations nito sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – maaring madamay ang Pilipinas sa isang gulo lalo at hindi malinaw ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng Amerika.
Giit ng kalihim – dapat mapag-aralan ang tratado sa pagitan ng Pilipinas at Amerika dahil sakaling sumiklab ang shooting war sa pagitan ng U.S. at China, madadamay ang Pilipinas.
Hindi naniniwala si Lorenzana na magsisilbing deterrent ang pagiging malinaw o malabo ng kasunduan. Sa katunayan, nagdudulot pa ito ng kalituhan at kaguluhan pagdatin ng krisis.
Sa ilalim ng MDT, magtutulungan ang Pilipinas at Amerika sa oras ng mga pag-atake.