Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang maitutulong ng mutual respect at sinseridad nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Chinese Pres. Xi Jinping para maplantsa ang mga sensitibong isyu.
Pangunahing tinukoy ni Romualdez ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo gayundin ang mga usapin sa larangan ng kalakalan, pananalapi, kultura, politika at edukasyon.
Binanggit ito ni Romualdez kasunod ng matagumpay na state visit ni Pangulong Marcos sa China kung saan matagumpay na nakapagpulong ang dalawang lider.
Naniniwala si Romualdez na ang katapatan at mahusay na pakikitungo nina PBBM at President Xi sa isa’t isa ay higit pang mapapatatag sa ugnayan ng dalawang bansa.
Facebook Comments