NAGPANGGAP NA MEDIA SA PANGASINAN UPANG MAKAPANGIKIL,ARESTADO

Arestado ang isang lalaki matapos itong magpanggap ng media at ireklamo dahil sa pangingikil sa bayan ng Calasiao, lalawigan ng Pangasinan.
Ang suspek ay nakilalang si Segundino Apostol, residente ng bayan ng San Nicolas.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP, nagpakikala umano ang suspek na isang maimpluwensyang empleyado ng pahayagang Remata sa isang negosyante at sinasabing ipapasara ang pwesto nito kapag hindi nagbigay ng pera bilang proteksyon.

Dito na isinumbong sa PNP ang suspek at agad na ikinasa ang isang entrapment operation.
Nang tanggapin ng suspek ang pera ay agad itong inaresto ng mga Intel Operative ng PNP Calasiao na nagpanggap pang mga alalay ng kanyang biktima.
Hinikayat nman ng PNP Pangasinan ang lahat ng mga Pangasinense na kapag nakatanggap ng ganitong pangingikil ay agad na isumbong sa PNP para magawan ng aksyon. |ifmnews
Facebook Comments