Sinimulan nang selyohan o lagyan ng tape ng Philippine National Police o PNP Lingayen ang muzzle ng baril na personal na pag aari ng mga tumatakbong kandidato sa bayan.
Bahagi ito ng paghahanda ng pulisya para sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo 9.
Una sa listahan ng PNP Lingayen na nagpaselyo ng kanyang rehistradong baril ay si Mayor Leopoldo N. Bataoil na tumatakbo muli bilang alkalde sa bayan sa ikalawang pagkakataon.
Sineselyuhan ang mga nasabing armas upang matiyak na hindi magpapaputok ng kanilang personal firearms ang mga kandidato.
Bahagi din umano ito ng pagtalima sa kampanya ng pamahalaan na may layuning magkaroon ng mapayapa at ligtas na halalan.
Sa ngayon, tuloy tuloy pa rin ang ginagawa ng PNP Lingayen sa pagsasagawa ng OPLAN Katok at Gun Ban Comelec Checkpoint upang masiguro ang kaligtasan ng publiko hanggang sa sumapit ang halalan 2022. | ifmnews
Facebook Comments