Humingi ng tawad si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny Pangilinan sa ipinakitang performance ng Gilas Pilipinas sa katatapos lamang na 2019 FIBA Basketball World Cup sa bansang China.
Ayon kay MVP, hindi dapat sisihin ang mga manlalaro sapagkat kasama din sa kampanyang ito ang naturang organisasyon.
“Ang masasabi ko lang is we are really sorry and we would like to really express our apologies to the Filipino people, kasi kasama naman kami doon,” pahayag ni MVP.
Pagtitiyak ni Pangilinan, pag-aaralan at paghahandaan nila 2023 FIBA Basketball World Cup kung saan isa sa mga host country ang Pilipinas.
“Well we should develop a team as early as now. Just because we’re included as host, we should not prepare. There’s a tendency na kapag kasali na, we’ll take it easy. Hindi dapat we should take it seriously,” saad ng business tycoon.
Ang Gilas Pilipinas ay lumagapak sa panghuling puwesto sa ginanap na FIBA World Cup 2019.