MWF, mahina pa rin ayon sa isang senador

Negatibo pa rin ang pagtanggap ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Maharlika Investment Fund Bill kahit pa inalis na ng Kamara ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security Service (SSS) sa main contributor ng itatatag na sovereign wealth fund.

Ayon kay Pimentel, mahina ang isinusulong na Maharlika Fund hindi dahil sa kahinaan ng mga argumento rito kundi sadyang malakas lang ang pagtutol sa panukala.

Sinabi ng senador na ang gulo ng Mababang Kapulungan dahil basic lang naman ang konsepto ng panukala kung saan ang pondong ilalaan dito ay surplus.


Pero, kahit aniya walang surplus funds o sobrang pondo ay itutuloy pa rin ng mga nagsusulong ang wealth o investment fund.

Patunay aniya sa kawalan ng surplus funds ay ang pagiging baon sa utang ng bansa na dapat unahing bayaran.

Dagdag pa ni Pimentel, ang isang ideya na palaging pabago-bago, hindi pinag-isipan at minadali ay asahang mahihirapang makalusot sa Senado.

Facebook Comments