
Pinag-iingat ng Migrant Workers Office (MWO) – Dubai at Northern Emirates ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) na mag-ingat laban sa mga scammer na nag-aalok ng repatriation assistance at naniningil ng bayad.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang MWO na kung nais nilang sumailalim sa repatriation program, makipag-ugnayan lamang sila sa official channels.
Pinaiiwas din ang OFWs na magbigay ng mga personal na impormasyon sa unauthorized individuals, agents, o social media accounts na nag-aalok ng tulong sa pagproseso ng repatriation services.
Nilinaw rin ng DMW at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang repatriation requests para sa mga Pinoy sa UAE ay maaari lamang idaan sa MWO-Dubai sa pamamagitan ng kanilang official hotlines and email addresses.










