MWSS: 140,000 residenteng ‘lubhang’ naapektuhan ng water shortage ng Manila Water, makakatanggap ng P2,147

Ipinahayag ni Metro Manila Waterworks and Sewarage System regulator Patrick Ty, na makakatanggap ng P2,147 ang 140,000 na kliyente ng Manila Water na lubhang naapektuhan ng malawakang water shortage nitong Marso.

Ani ni Ty, nakaranas ng kawalan ng tubig ang mga residente sa loob ng 24 oras sa pitong araw noong Marso 6 hanggang 31.

Sinabi niya rin na ang halaga ay mula sa 45 na barangay na nasa listahan na inilabas ng Manila Water nitong Abril.


Matatandaang pinagmulta ng P1.13 bilyon ang Manila Water matapos magkaroon ng malawakang interupsyon at water shortage sa east zone ng Metro Manila.

Facebook Comments