MWSS administrator gagawin ang dapat gawin para masunod ang mga kagustuhan ng pangulo ukol sa problema sa supply ng tubig

Tiniyak ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na kaya nilang ayusin ang issue ng kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila at magawa ang mga iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte at mag report sa susunod na buwan kaugnay sa problema sa tubig.

Matatandaan kasi na sinabi ng Malacanang na pinagalitan ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng MWSS dahil sa problema sa tubig kung saan sinabi ng Pangulo ay dapat magbigay ang mga ito ng report sa Abril na magiging basehan ng Pangulo kung mananatili ang mga ito sa kanilang mga posisyon.

Sa briefing sa Malacanang ay sinabi ni Velasco na gagawin nila ang lahat para masunod ang mga gustong mangyari ni Panguong Duterte at tiwala sila na maibibigay nila ang solusyon sa problema sa tubig na gustong mangyari ng Pangulo.


Sinabi din ni Velasco na kung hindi nila magagawan ng solusyon ang problema ay handa naman silang magbitiw sa posisyon para mabigyan ang Pangulo ng kakayahan na magtalaga ng mga bagong opisyal na sa tingin nito ay makapagbibigay ng solusyon sa problema.

Facebook Comments