MWSS Administrator Reynaldo Velasco, sinibak ni Pangulong Duterte

7190

Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco.

 

Inanunsyo ito ng pangulo sa thanksgiving party ni senator-elect Bong Go kagabi.


 

Ang pagsibak kay Velasco ay kasunod ng nangyaring krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal noong Marso.

 

Ipinalit ng Pangulo kay Velasco si retired Army General Ricardo Morales na taga-Davao din.

 

Ayon naman kay Morales, tinatanggap niya at handa siyang gampanan ang trabahong iniatang sa kanya ng pangulo.

 

Hinihintay na lang daw niya ang kanyang appointment paper.

 

Facebook Comments

From Advertisers