Panibagong tirada ni Pangulong Duterte, pinalagan ni Senator Trillanes

2510

Panibagong tirada ni Pangulong Duterte, pinalagan ni Senator Trillanes

 

 

Sarkastikong tinawag na henyo ni Senator Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Reaksyon ito ni Trillanes sa sinabi ni Pangulong Duterte na ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para habulin ang ibang tao at gumamit ng mga dummy para itago ang kanyang mga sasakyan at iba pang ari arian.

 

Pero diin ni Trillanes, tanging si Peter Joemel Advincula alyas bikoy lang naman ang pinanggalingan ng mga bagong bintang sa kanya ni President Duterte.

 

Paalala ni trillanes, hindi pa nakakabawi si Pangulong Duterte sa mga inimbentong offshore bank accounts niya at sa mga pahayag nito laban sa kanyang ina.

Facebook Comments

From Advertisers