MWSS at mga water concessionaires, pinagpapaliwanag sa paniningil ng water irrigation na hindi naman nagagamit

Pinagpapaliwanag ngayon ng ilang kongresista sa Kamara ang MWSS at mga water concessionaires sa hindi pagpapatupad ng “irrigation water replacement” program na kasama sa kinokolekta sa water bills ng mga consumers.

Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy, aabot sa 7.5 billion pesos ang nakolekta mula sa programa upang makapagpatayo ng pasilidad sa pagkuha ng tubig sa pampanga river para sa irrigation water replacement.

Nagtataka ang kongresista kung saan napupunta ang bahagi ng sinisingil sa mga consumers para sa programa na sinimulang kolektahin ng mga water concessionaires mula pa noong 2002.


Iginiit ng Lady Solon na kung naipatupad lamang ang irrigation water replacement ay natulungan sana ang maraming magsasaka sa epekto ng matinding tag-tuyot dulot ng weak El Niño.

Pinakikilos dito ang mga local water districts, local water utilities administration, national irrigation authority at national water resources board para mabigyan ng tulong ang mga livestock growers, mga magsasaka pati mangingisda ngayong panahon ng tag-init.

Facebook Comments