Kinalampag ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy ang Kamara na amyendahan na ang 1971 MWSS Charter at 1936 Public Service Law para mabigyan ng de kalidad at epektibong serbisyo ang publiko.
Giit ni Herrera-Dy, napapanahon na para amyendahan at i-update ang maituturing na obsolete na MWSS Charter kung saan itatakda bilang public utilities ang mga water concessionaires.
Sa ganitong paraan ay malilimitahan ang mga water concessionaires sa mataas na pagpapataw ng singil sa tubig.
Isinusulong din ng kongresista na sa kongreso na kunin ng mga water concessionaires ang kanilang prangkisa tulad sa ibang mga kumpanya at hindi na sa MWSS.
Pinatatatag din nito ang water regulatory commission para sa buong bansa at hindi lamang sa metro manila kung saan mababalanse nito ang ‘playing field’sa pagitan ng mga kumpanya at mga consumers.
Pinagtatakda din ang wrc ng pagpaparusa sa mga service providers at franchise holders na hindi makakatupad sa kanilang mandato at serbisyo.