Dating brgy chairman patay tatlong pang indibidwal arestado sa ikinasang operasyon ng PNP at AFP sa Lanao Del Norte

Nasawi ang isang dating brgy. chairman habang arestado naman ang tatlo pa matapos na manlaban sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at tropa ng Army’s 5th Mechanized Infantry Battalion sa Brgy Abaga, Nunungan, Lanao del Norte kahapon.

Ayon kay Captain Clint Antipala ang tagapagsalita ng 1st Infanrty division ng Philippine Army ang nasawing dating brgy. chairman ay kinilalang si Samolabao Tumog, alyas  SB.

Habang ang mga naaresto kinilalang sina Jalal Diambarang Tumog, Pano Tumog at HamiTumog na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP para sa pagsasampa ng panibagong kaso.


Inaaresto sana ang mga ito dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga pero dahil nanlaban nagkaroon ng palitan ng  putukan na ikinasawi ng dating brgy chairman.

Sa operasyon pa ng militar at pulisya narekober sa mga suspek ang  isang  M16 rifle, dalawang rifle grenades, isang hand grenade, magazines at  ammunitions.

Dahil dito may dagdag pa silang kaso maliban sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments