MWSS, hiniling sa Maynilad at Manila Water na ipagpaliban ang nakatakdang taas-singil sa tubig sa Enero

Hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga Water Concessionaire na huwag munang ipatupad ang nakatakdang taas-singil sa tubig sa Enero.

Nasa ₱2.00 kada Cubic Meter ang taas singil sa Manila Water habang ₱1.95 kada cubic meter sa maynilad bunsod ng Mandatory Rate Rebasing.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, hiniling din nila na ipagpaliban ang ilan pang ipapataw na dagdag singil.


Kabilang na rito ang inflation at Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.

Samantala, handa ang Manila Water na pag-usapan ang rate rebasing.

Pumayag naman ang Maynilad na huwag munang ipatupad ang FCDA pero wala pa silang desisyon kung i-uurong ang taas-singil sa tubig.

Facebook Comments