MWSS, iginiit na hindi pwedeng maparusahan ang Manila Water

Aminado ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi pwedeng maparusahan ang Manila Water sa kabila ng abala na dulot ng malawakang water interruption.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, lahat naman ay may kasalanan sa nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig.

Giit ni Ty, may kasalanan din daw ang Manila Water dahil sa pagkaantala sa Cardona Treatment Plant at pagkakamali sa forecasting.


Tiniyak naman ng MWSS na hindi maipapasa sa konsumer ng Manila Water ang gastos sa pagbili ng tubig galing Maynilad kapag natuloy ang sharing ng suplay sa Abril.

Pero babala ng MWSS, posibleng maulit ang problema sa suplay ng tubig sa mga susunod na taon hangga’t walang mahanap at maitayong bagong water source ang Maynilad at Manila Water.

Facebook Comments