MWSS, ipinaliwanag kung bakit nagkaroon ng dagdag-bawas sa singil ng tubig ang Maynilad at Manila Water

Ipinaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System kung bakit magkaiba ang adjustment na ginawa ng dalawang water concessionaires.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni MWSS Chief Regulator Atty. Patrick Ty na sa foreign currency kasi nakabatay ang karamihan sa loan ng mga ito kung kaya’t nakadepende sa paglakas o paghina ng piso ang presyo ng kanilang adjustment.

Inihalimbawa ni Ty ang pagpapatupad ng 1 centavo per cubic meter na rollback ng Maynilad na dahilan umano ng paglakas ng piso kontra dolyar.


Habang nagtaas naman ang Manila Water ng 5 centavos per cubic meter dahil sa paghina ng piso kontra sa japanese yen kung saan karamihan ng utang nila ay nasa ganitong currency.

Ayon kay Ty, sa pamamagitan ng ganitong adjustment ay hindi nagkakaroon ng pagkalugi ang concessionaire at hindi rin naman kumikita sa paglakas ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.

Facebook Comments