MWSS, tiniyak na hindi na mauulit ngayon ang water crisis noong 2019 sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam

Tiniyak ng Metopolitan Waterworks and Sewerage System na hindi na mauulit ngayon ang nangyaring water crisis sa Kamaynilaan noong 2019.

Sabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, bagama’t aminado siyang mababa na ngayon ang lebel ng tubig sa Angat Dam hindi na ito matutulad sa nangyari noong 2019 kung saan dalawang linggong walang tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Sa ngayon aniya, binawasan nila ang water pressure at hiniling na sa Manila Water at Maynilad na gamitin na ang mga naka-standby na deep wells.


Binuksan na rin ang Cardona Water Treatment Plant para sa mga customer ng Manila Water na kumukuha ng tubig sa Laguna Lake.

Facebook Comments