Myanmar military, ipinagbawal na ang paggamit ng Facebook sa kanilang bansa

Ipinag-utos ng ilang heneral ng Myanmar’s military na ipagpabawal ng paggamit ng Facebook sa kanilang bansa.

Kasunod ito nang naganap na social media rally para tutulan ang kasalukuyang military coup d’ etat kay National League for Democracy Leader Aung San Suu Ki at ilan pang opisyal ng Myanmar.

Ayon sa Myanmar’s Ministry of Communications and Information, hindi maaaring i-access ng kanilang mga residente ang Facebook hanggang Pebrero 7, 2021.


Dahil dito, nanawagan ang pamunuan ng Facebook na ibalik na ang koneksyon nang sa gayon ay magkaroon muli ng komunikasyon ang ilang burmese sa kanilang mga kaanak.

Facebook Comments