Homemade sweets at chocolate business, patok ngayong buwan ng pag-ibig

125

Isang malaking oportunidad para sa mga may homemade pastries and sweets business ang buwan ng Pebrero dahil ito ang buwan ng mga puso.

Sa segment na Business as Usual sa Usapang Trabaho ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ni May Paraon, may-ari ng Pamaro’s Kitchenette na mayroon silang mga pakulo ngayong love month.


Sa murang presyo, maaari nang umorder sa kanila ng chocolate balls, chocolate cakes at cookies na pwedeng pang-regalo sa inyong mga valentine’s date.

“For as low as 150 meron kaming ginawang cake ball para sa mga taong hindi nakaka-ubos ng isang cake na pwedeng panregalo sa inyong love ones o di kaya sa sarili niyo. “ ani May.

Bukod sa Valentine’s month, naging patok din ang kanilang mga produkto sa wedding industry kung saan ginawang wedding souvenirs ang kanilang binibentang cookies at cakes.

Facebook Comments