Myembro ng isang drug group sa Gensan-arestado ng PDEA-12

General Santos City—Arestado ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 12 ang isang myembro ng organisadong drug group dito sa Gensan kasabay ng isinagawang Anti-Drug Operation.

Kinilala ni Kath Abad, spokesperson ng PDEA-12 ang suspek na si Melven Cortal, 44, residenti ng Barangay Apopong, Gensan.

Nasakote nag suspek matapos itong nabilhan ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P500.00. maliban dito nakunan pa ang suspek ng dalawa pang malalaking sachet ng pinaniniwalaang shabu.


Si Cortal ay sinasabing kasapi ng isang drug group na nag ooperate dito sa Gensan. Matagal nang minanammanam ng PDEA ang grupong kinasasangkutan nito matapos lumabas ang pangalan ng kanilang grupo sa mga una nang naarestong mga drug suspek dito sa lunsod.

Sa ngayon tumanggi muna ang PDEA na pangalanan ang grupo dahil may ginagawa pa silang case build up para sa pagsakote sa iba pang myembro ng nasabing grupo.

Facebook Comments