Isang sundalo ang nasawi at dalawa naman ang sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong araw ng Sabado.
Ito ang kinumpirma ni WestMinCom Spokesperosn Maj. Arvin Encinas sa panayam ng RMN-Cotabato.
Kinilala ni Maj. Encinas ang nasawing kawal na si Sgt. Randy Alibar, ang mga sugatan naman ay sina PFC Roel Sumiljig at PFC Allan James Cabildo pawang mula sa 33rd IB.
Sinabi pa ni Maj. Encinas na bunsod ng mga impormasyong natatanggap ng militar mula sa mga residente kaugnay ng prisensya umano ng BIFF sa kanilang area ay nagsagawa ng clearing oparation ang 33rd 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga hanggananan ng Barangay Tukanalipao, Tuka at Pedsandawan, pawang sa bayan ng Mamasapano na nagresulta sa sagupaan ng kasundaluhan at ng BIFF.
Sinabi pa ni Maj. Encinas na base sa natatanggap nilang impormasyon mula sa mga residente, sinasabing 2 ang nasawi at 3 ang sugatan sa panig ng BIFF, subalit ang ulat na ito ay kanila pang kinukumpirma.
Dagdag ng opisyal na sumentro ang sagupaan sa Barangay Tukanalinaw, Mamasapano kung saan nasawi ang 44 na kasapi ng Special Action Force (SAF) noong 2015.
Nagpapatuloy pa anya hanggang sa kasalukuyan ang isinasagawang clearing operation sa lugar upang maitaboy ang BIFF.
Ayon pa kay Maj. Encinas, ang ginagawang joint operation ng Philippine Army at PNP ay para sa kapakanan ng mamamayan ng Mamasapano.
Myembro ng militar patay, 2 sugatan sa engkwentro sa Tukanalipao Mamasapano
Facebook Comments