MYRIAD OF ISSUES | Implementasyon ng K-to-12 program, pina-iimbestigahan

Manila, Philippines – Pina-iimbestigahan ng Makabayan Bloc sa house of representatives ang status ng implementasyon ng K to 12 program.

Sa house resolution 1887, binigyang diin ng Makabayan Bloc na ang K to 12 program ay nagdulot ng “myriad of issues” batay sa mga reklamo mula sa mga guro, school personnel, mga magulang at estudyante.

Kabilang anila dito ang kakulangan ng classrooms at school equipment na naging dahilan para mapilitan ang mga apektado na gumastos mula sa kanilang sariling bulsa.


Kinuwestiyon naman ni Act Teachers Party-List Representative France Castro kung saan na napunta ang unang batch ng mga K-12 graduates kasundo ng naging claim ng Department (DepEd) of Education na naging matagumpay ang programa.

Pinuna rin ni Castro ang employability ng K to 12 graduates na kinukuwestyon dahil sinasabi ng employers na hindi pa handa o competent ang mga ito para magtrabaho.

Facebook Comments