Na-aalarma ang United Nations sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga batang namamatay dahil sa giyera sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kasunod na rin ito ng inilabas na report ng UN na umabot na sa mahigit sampung libong (10,000) bata ang nasawi o matinding napinsala sa giyera.
Batay sa report ng United Nations, bahagi lamang ito ng naitala nilang dalawampu’t isang libong (21,000) paglabag sa karapatan ng mga bata.
Sa Yemen pa lamang ay nakapagtala na ang un ng isang libo at tatlong daang (1,300) batang nasawi o matinding napinsala.
Ayon sa un report, kabilang sa mga naitalang casualties ang mga batang may edad 11-taong gulang pa lamang pero, ginamit na sundalo at lumalaban na sa civil war ng Yemen.
Facebook Comments